Please Don’t Read

Ang tagal kong hindi nakapag blog. Marami agad ang nangyari. Mga bagay na di ko inaasahan. Akala ko magiging okay na lahat. Pero ito na naman ako, mas marami pang kasalanan ngayon.

Ayoko na sanang basahin niyo ito. Maguguluhan lang kayo.

Akala ko pagtapos ng encounter ko sa Panginoon through Victory Weekend, mas magiging malapit na ako sa Kanya. Pero ngayon, mas matindi yung temptation. Hindi ko sigurado kung mas matinding temptation o mas aware lang ako na mali ang ginagawa ko. 

Dala na rin ng lungkot, nagkita kami ng ex ko at meron na namang nagyari. Pero nalilito ako. Kasi bukod sa kasalanan na yun, wala naman na kaming ibang ginawa sa kapwa namin. So I wrestled with God na ireveal Niya kung mali ba talaga. Mahal ko Siya at wala naman na akong ibang nakikita na iba. Sa puso ko guilty ako, pero sa isip ko, parang di masyado, baka naman kasi masyado na akong nagiging relihiyosa.

Sa mga nakakabasa, I need your prayers and advice. Open ako sa kahit anong suggestions and comment. Thank you!

With love, faith and hope,

Beautiful Anonymous

Advertisements

To Be Continued

Ang tagal ko rin palang hindi nakapagkwento pagtapos ng realization ko for God’s best. Actually, after nun, naging mas okay ako. Nabother kasi ako dahil nung naging active ako sa church, bumalik yung nakaraan between me and one pastor there. Buti na lang God is reminding me na lahat ng condemnation wala na kasi pinatawad Niya na ko.

Totoo nga na after ng encounter ko with God, mas maraming challenges on faith ang darating. But I learned how to trust God on His will, way and word.

Isa sa mga battle ko yung pinaka matalik kong bestfriend. I’m a new creation na pero hindi ko siya magawang iwanan dahil feeling ko kailangan niya ako, na makakausap niya. Sobrang ganda niya pero may dalawang anak na siya. Married pero hiwalay. At ang bago niyang relationship ay sa married man din, for short she’s a mistress. Yung struggle niya sa choices niya, yun ang hindi ko dahilan kaya di ko siya maiwan. Pinagpepray ko na sana one day maencounter niya si God gaya ng nangyari sa akin. Ngayon, test of patience. Makisama pero wag maki-sama yan ang payo ng leader ko.

Goodnight everyone!

With love, faith and hope,

Beautiful Anonymous

God’s Best

Until now hindi parin ako makaget over sa Victory Weekend. Siguro kung may sumubaybay nitong kwento ko about it, e nagsawa na. He he pero sobra kasing joyful yung experience. 

Kanina nagmeeting kami ng Victory Group ko, ito yung parang bible study ng church namin. We meet every Monday to share our lives sa mga kagroup namin and to pray for them. Pagdating ko wala naman sa intentions ko yung magkwento  about love life, high pa rin kasi ako sa faith ko so I want to share other topics than that. Pero bigla kami napunta sa Pastor na nakadate ko before. Nandun kasi Siya nung Water Baptism ko. Inasar nila ako hanggang sa pag uwi ko nareminisce ko yung naudlot namin na story. Feeling ko di parin proper time noon. 

Anyway, feeling guilty ako. Naisip ko lang, God wants us to be holy and to be like Christ. Pero if we are going to focus ourselves on finding partners in life, are we not doing what Jesus did? Is it better if we fix our eyes more on doing what He calls us to do for our fellowmen rather than finding our soulmates? Naalala ko din yung story about Isaac and Rebekah. The woman in the story never asked God for husband. Instead she worked for her family first tapos God rewarded Him a good man. Nakakaamaze yung story kasi hindi mo pala kailangan iask kay Lord kasi ibibigay Niya sayo yung pinakabest kapag sumunod ka lang sa will Niya sa buhay mo.

With love, faith and hope,

Beautiful Anonymous

Water Baptism

Kumakain ako ngayon ng Lunch while writing this. Punong puno ng joy ang puso ko lalo nung natapos na namin yung Water Baptism o Public Declaration na ako’y Christian. Nakakatuwa kasi dumating yung bestfriend ko pati na rin yung taong nagsama sa akin sa church. Ofcourse, di mawawala ang leader ko. Hay, the best tong araw na to! 

Totoo nga na after ng Victory Weekend marami agad persecution. Dito sa restaurant na kinakainan ko, merong Persian na bata na sobrang cute. Binati ko siya pero nagalit ang mom niya. Sa mundong ito, maraming pwedeng magkwestyon sa action mo maganda man o hindi. Pero what matters most e yung tingin sayo ng Panginoon at tingin mo sa sarili mo. 

Ngayon mas handa akong harapin ang mga ganitong sitwasyon kasi alam ko kasama ko ang Holy Spirit sa lahat ng patutunguhan ko.

At araw araw akong magiging thankful kay Jesus for dying on the cross para bayaran ang kasalanan ko. Hopefully, yung mga makakabasa nito, in God’s timing, maexperience din nila yung sobrang sarap na pakiramdam ng freedom.

With love, faith and hope,

Beautiful Anonymous

Victory Weekend

Sobrang saya ng araw na ito. Feel blessed, loved and forgiven ako. I feel as if I’m a new creation. The old has gone, the new has come. Ang saya talaga!

Dahil sa Victory Weekend, naremind ako ng ginawa ni Jesus Christ sa cross to pay the price for our sin. Nung una di ko maintindihan ito. Bakit kailangan Niya bayaran ang kasalanan natin? Bakit hinayaan Niya mangyari e Siya ang Diyos. I am not ashamed na dati talagang clueless ako about the message of the cross. Kaya naman pala may doubt lagi sa puso ko kasi hindi strong ang foundation ng faith ko.

Today, I invited the Holy Spirit to come into my life. Dahil dun nalaman ko yung Spiritual Power na binigay sakin ni God. Yung speaking of tounges o pagsasalita ng ibang language between you and God only na even Demons didn’t know about it. Ang saya! Ang daming nirevealed sakin ni Lord today.

Isa pa sa mga highlight ay yung Purity. Dahil nalaman ko yung pinaghirapan ni Lord to save me, I feel na precious ako sa Kanya. God will rather die for me than living without me. Kaya kailangan ko. Pahalagahan yung body ko na temple ng Holy Spirit.

Sayang yung mga panahon na lumipas na ‘di ako nakapagVictory Weekend. Tanong ko bakit ngayon lang? Pero talagang proper timing si Lord. Alam kung kailan ibibigay ang mga bagay sayo.

Sana sa mga nakakabasa, I pray na God will bless you and He will also allow you to experience the joy na mararamdaman mo in walking with Him. I believe my proper timing sa Faith mo si Lord. Remember, one step backward from sin and turn to Hi will lead you a life that is everlasting.

Excited ako para sa part 2 ng Victory Weekend bukas! Kwentuhan kita.

With love, faith and hope,

Beautiful Anonymous

Prayer and Fasting

Habang sinusulat ko itong next blog ko, gutom na gutom na ako. Nagfafasting ako ngayon kasi bukas mavivictory weekend na ako. Finally, pagkatapos ng dalawang taon ko sa Victory Christian Fellowship, magpapabaptized na ako.

Sa una yung desisyon hindi madali pero tama yung leader ko, may proper time si Lord sa lahat ng bagay. At bago mo pa maisip gawin ay planado Niya na yun. Siya kaya ang Creator ng heaven and earth. 

Masaya ko sa Victory, malaki ang nabago sa akin. Di man ako totally holy, sa pagiging Christian ko natutunan kung paano mahalin ang kapwa di man sila gumawa ng magandang bagay sa iyo, o gawan ka man nila ng masama.

Naalala ko lang yung buhay ko bago ko nakilala si Hesus ng lubos. Hindi naman ako Atheist. Lumaki ako sa Catholic family, noon hindi ko pa maintindihan lahat, madalas pa nga ako magduda kung talaga bang may Diyos. Hindi ko kasi alam kung para saan ang ginagawa ko. Magsisimba, makikinig ng misa, paulit ulit na kanta. Walang mali sa Katoliko, ang mali ay ako kasi hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. Naniniwala rin akong wala yun sa relihiyon, kundi sa paniniwala mo. Iba iba ang paraang ng Panginoon kung paano mo Siya makikilala. Ang bottomline dun, ano man ang relihiyong kinabibilangan mo, Si Jesus Christ sana ang Panginoon mo.
Ayan nawala na naman ako. Gaya ng sinabi ko bago ko maging Christian, marami akong maling desisyon na ginawa. Dahil wala akong gabay, nasa ibang bansa kasi ang mom ko, ang dad ko wala iniwan kami nung bata pa lang ako, ate ko naman maagang nag asawa. Wala akong sasandalan kundi sarili ko. Dahil dito, hinanap ko ang pagmamahal sa ibang tao lalo sa opposite sex ko. Ayoko ng babaeng kaibigan noon, minsan kahit hanggang ngayon. Madalas kasi pakiramdam ko hindi nila ko gusto, di ko alam baka inggit kasi madalas akong mapuna sa eskwela o kung saan kami pumupunta, madalas masabihang kamukha ng artista. (di ako nagmamayabang pero gusto kong makilala niyo ko unti unti sa mga blog ko at malaman kung san ko hinuhugot ang mga sinasabi ko). Maliit lang ako, maputi, napagkakamalang korean/chinese.

Dahil hinahanap ko yung love na wala sa bahay namin, marami akong naging boyfriend. Siguro bago ako mabuntis nagkaron ako ng 10 o higit pa. Sinama ko na jan yung mga isang araw. He he hanggang sa makilala ko yung tatay ng anak ko. Pero iniwan niya rin ako kaya simula noon, lalo akong naging worst.

Isang beses lang akong nabigo noon sa love. Pagtapos nun, ang mga lalake na ang umiyak. Naghahabol na akala mo may titigil ang mundo pag iniwan ko sila. Minsan akala nila forever na pero one night stand lang pala. Hindi pa natapos dun, dahil sawa na ako sa libre, binebenta ko na ang katawan ko sa mga mayayaman na matanda. Ano ba naman ang pinagkaiba ng parehas mong di mahal, saan ka dun sa libre o dun sa ibibigay lahat sayo? Marami ding nangako sakin ng langit at lupa.

Hanggang sa may nakilala akong intsek. Apat na taon niya kong sinuportahan. Bukod dun wala naman akong ibang naging DOM pero may mga bagets parin akong pinagpalaruan. Worst no? Oo worst. 

Pinilit ko makapag aral ulit. Kapag nasa eskwela ko, maraming humahanga, marami daw akong kayang gawin outside school. Pinagpatuloy ko parin kasi ang pag aartista ko habang nag aaral. Plus may honor parin ako lagi. Pero nagtataka ko, sa dami ng humahanga, bakit di ko magawang hangaan ang sarili ko. Siguro nga kasi more than anyone, ako ang mas nakakaalam ng pinagdaanan ko. Mga bagay na di ko maipagmamalaki.

Hanggang sa may nakilala akong isang guy. Makeup Artist din siya. Oo tama, lalaking Makeup Artist. Akala ko din nung una bakla siya kaya nakapalagayang loob ko. Pero malaki katawan ang katawan niya at gwapo. Gwapo hindi dahil vain kundi dahil gwapo lang talaga. To cut the story short naging kami while having affairs pa sa iba.

Nahulog ako sakaniya. Siya kasi yung tipo ng lalakeng pangarap ng bawat babae. Puno ng surprise, clingy, kayang maglead sa lahat ng bagay, lalakeng lalake kung baga, mabait kahit sa ibang tao, mapagmalasakit, gwapo at macho. Too good to be true sabi ng iba. Sandali lang kami pero nashaken niya ko.

Akala ko noon sa teleserye lang yung paiimbestigahan ka ng pamilya ng mahal mo. Nangyari sakin yun at dun niya nalaman lahat ng sikreto ko. Dahil mahal ko siya hindi ko naman binalak na itago yung habang buhay. Bago lang kami so what do you expect? Na sasabihin ko lahat sakanya yung masakit na nakaraan ko? Na magbabago ako agad agad?

Pinilit naming maging masaya kahit nalaman niya lahat pero di naging madali para sakaniya kasi nakilala niya ko sa ibang katauhan. Hanggang sa naghiwalay kami. Iniwan niya ko pero hindi naging sobrang masakit kahit mahal na mahal ko siya, kahit hanggang ngayon. Kasi dahil sa nangyari, natuto akong talikuran ng buo ang dati kong buhay at tumalikod pabalik sa Panginoon.

Ayan Victory Weekend ko na bukas. At sobrang excited ako sa mga irereveal sakin ng Panginoon. Kwento ulit ako next time! 

With love, faith and hope,

Beautiful Anonymous

In The Beginning

Ayan, siguro limang attempt ko na to na gumawa ng blog site. Madalas pagtapos ng isa o dalawang blog, ayoko na. Bakit? Una, ayokong malito ang tao sa kung paano nila ko nakilala, pero ang hirap kasi ang totoo, sobrang dami kong gustong gawin at subukan. Madalas nagagalit ang kapatid at mga kaibigan ko kasi paiba iba daw ako, minsan gusto ko maging doctor, minsan entreprenuer, minsan naman artista, He he. Iba iba. Ako din naguluhan ako. Pangalawa, hindi ko maituloy ang blog ko kasi akala ko noon required na magaling ka mag English. Hindi naman sa sobrang bokya, pero sabi nila, dun ako sa kung saan ako mas confident. I therefore conclude, sa lahat ng oras pala, magiging masaya ka lang kung magpapakatotoo ka.

At isa na nga sa dahilan kung bakit ako muling nagsusulat ngayon, para malaman ng mga nakakabasa ang journey ko. Sa totoong buhay akala nila glamorous. Yun lang ang nakikita nila. Sa Facebook, Sa Instagram at sa Website ko, yun lang naman din ang gusto kong ishare. I want to inspire people as much as I dont want them to see the negative side of my so called “Glamorous Life”. Gusto ko happy lang sila. Kahit minsan gusto mo na maglabas ng sama ng loob lalo pag kailangan mo ng kaibigan, hindi madali. Hindi kasi lahat maiintindihan ka.

I’m working as a Professional Makeup Artist. Before I attempted to work in the Fashion and Television Industry as Model and Actress. Para sa mga normal na tao, magarbo na yun, pero hindi nila alam yung hirap din ng nasa ganung industriya. Ikukwento ko yan sa mga susunod na blog ko. Sa ngayon gusto ko munang makilala niyo ko.

Bago yun gusto ko munang linawin sa inyo. Ang blog na ito ay hindi para sa mga judgemental, marami akong kwento ng failures. Kung makikilala niyo kung sino ako, hindi niyo aakalain na totoo ang mga ito. Hindi rin ito para sa mga grammar nazy, yung mga taong puna ng puna ng mga pagkakamali mo sa iyong mga sinusulat, more than the agreement of the subject and verb, I want you to learn the real lessons in life, yung matututunan mo lang kapag nagkakamali ka. Marami nang guro sa eskwelahan, maiba naman at maging guro sa buhay.

I’m twenty one years old pero may anak na ko. Walang nakakaalam na single mom ako except dun sa mga totoong friends ko, dun sa mga chumismis nung kumalat sa eskwelahan ko ang balita, at yung ibang guys na sumubok na ligawan ako. Pero bago nila nalaman yun, chineck ko muna kung mapapagkatiwalaan ko sila. Ang iba sa kanila, until now hindi yun alam. Ang case ko kasi bago mo itake, kailangan mong malaman na hindi laro laro lang, kaya hindi ito advisable pang bata.

But, pinilit kong maging maayos ang lahat. Hindi ako nakapagtapos ng college, gaya nga ng sinabi ko, nag iiba ako ng hilig, at yun ang dahilan kung bakit nakatatlong lipat ako ng school. Minsan na rin akong humiyaw ng Animo dahil dun ako pangalawang pumasok. (Teka, hindi ako mayaman, scholar lang). Still, di ko nahanap dun ang happiness, passion and contentment ko.

Maraming humahanga kasi at the early age, kahit walang degree ay marami na daw akong nagawa. Makatravel sa malalayong lugar at ibang bansa, makabili ng mga mamahaling gamit, makapasok sa TV Industry, makilala mga sikat na celebrities, tulungan ang pamilya, maengaged sa maraming adventures/sports activities like mountain hiking, gym, running, yoga, ligawan ng mga malaking personalities. Nagagawa ko daw lahat ng gustuhin ko.

Totoo. Pero paano ko nga ba sila nagawa? On my next blog, malalaman mo. Thank you for taking time to read this. Sana happy ka. See you again!

With love, faith and hope,

Beautiful Anonymous